ANTI-MENDICANCY LAW BALEWALA

inside motoring

TILA wala naman palang silbi itong halos 35-taong batas na ito. Mismo nga pulis ang nagsasabing wala silang magagawa sa mga nagpapalimos base sa aking napanood sa telebisyon. Ang mga tinatawag na GAGAMBA na matatagpuan sa labas lamang ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA 1) ay nag-aabang sa mga motorista na maiipit sa trapik. Tapos silay hihingi ng limos. Bakit tinawag silang gagamba? Kasi pag hindi ka naglimos ay umaakyat sila hanggang sa bubong ng iyong sasakyan upang magbigay takot at perwisyo. At pag talagang hindi ka nagbigay ng kahit na ano ay kanilang gagasgasan ang iyong sasakyan. Ito ay matagal na at patuloy na nangyayari dyan sa may NAIA 1 kahit na mayroong detachment ng pulis sa tapat. Ibang klase ano. At sabi nga ng isang pulis na nakatalaga doon ay wala naman silang magagawa kundi pagsabihan lang at paalisin ang mga gagamba lalo na’t karamihan ay menor de edad. Tsk tsk. He said this on national television. Mamang pulis, parang sinabi mo na rin na wala kayong magagawa sa isang krimen na inyong nasasaksihan.

Ayon sa Anti Mendicancy Law o Presidential Decree 1563, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS at MAGPALIMOS. Ito ay may kaukulang multa at pagkakakulong nang hindi hihigit sa dalawang taon sa unang paglabag at sa susunod naman ay hindi hihigit sa apat na taon ang iyong ilalagi sa bilangguan. Pero sabi nga ni mamang pulis on national television ay wala silang magagawa.

Baka naman may magagawa si Paranaque City Police Chief S/Supt. Billy Beltran.

*****

Muli akong humanga sa ipinakita na naman ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI). Ito ay ang kanilang voluntary recall ng kanilang Pilot at Odyssey upang ayunsin ang depektibong driver side airbag. Wala pa namang naitatalang aksidente ukol dito pero parting nagkukusa ang HCPI na ipaalam sa kanilang kliyente ang problema upang aksyunan agad ito para maiwasan ang anumang aberya o mas malalang pangyayari. Ito ang ikatlong voluntary recall ng HCPI. Talagang customer safety and satisfaction ang kanilang hangarin, hindi lang puro benta. Sana’y tularan kayo ng ibang car manufacturer at distributor.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply