ANTONIO NANGEL MAGPAPATULOY ANG PAGLILINGKOD SA NIA

hilda-online-logo

SIMULA nang naging Administrator ng National Irrigation Authority (NIA) si Antonio “Tony” Nangel, may 1.5 milyong ektaryang lupang sakahan sa buong bansa ang nalagyan na ng irigasyon o patubig kaya naman matagumpay ang rice sufficiency program dahil sapat ang patubig sa sakahan ng mga magsasaka.

Nagbago ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsiguro ng tubig para sa kanilang sakahan na kung minsan ay nakadadalawang ani kung maganda ang ulan.

Marahil kalabisan ng ipaliwanag pa ang kahalagahan ng patubig sa ating magsasaka.

Alam natin lahat na sa paglaki ng ani dahil sa patubig, di lang natin sila nabigyan ng magandang ani, binigyan din natin ng pag-asa ang kanilang supling na mag-aral upang sa pamamagitan ng tumaas na kita, ang kanilang pangarap na makatuklas ng karunungan ang naisatuparan”.

Dahil sa mga kaganapang ito, si Administrator Nangel ay nanumpa sa harap ni Kalihim Proceso J. Alcala ng Depart-ment of Agriculture (DA). Ito ay bilang pagsunod sa itinatadha-na ng batas na mula sa pwes-tong acting Administrator ay nanombrahan siya ni Pangulong Noynoy Aquino na maging full pledge administrator ng National Irrigation  Authority.

Dapat sana siya ay magreretiro na ngayong darating na Pebrero 14, 2013 subalit dahil na rin sa kanyang magandang rekord ay magpapatuloy pa rin siya sa paglilingkod sa ahensiya hanggang Hunyo 2013.

Kung ating aalalahanin si Administrator Antonio S. Nangel ay isa sa may pinakamahabang panahon ng panunungkulan bilang NIA Chief.

Ang panalangin ng “Ang Inyong Lingkod” na sana tuloy-tuloy ang paglilingkod ni Administrator Nangel sa National Irrigation Authority upang mas maraming lugar ang malagyan ng irigasyon o patubig para mabigyan ng magandang kabuhayan ang mga magsasaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply