Apela sa airtime limitation sa political ads, di na pagbibigyan – Comelec

comelec logo

HINDI na pagbibigyan ng Commission on Elections ang lahat ng aapela sa tinakda nilang limitasyon  sa airtime sa mga political advertisements ng mga kandidato sa broadcast media sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes Jr, kung hindi kuntento ay hinikayat na lamang nito ang mga kumukontra sa kautosan na idulog na lamang sa Korte Suprema ang isyu.

Nanindigan ang poll chief na hindi na mababago ang kanilang posisyon hinggil sa naturang usapin.

Depensa pa ni Chairman Brillantes, ang kanilang desisyon ay alinsunod lamang sa laki ng gastos ng isang kandidato na dapat ay P3 lamang sa bawat botante o katumbas ng tinatayang  P50Milyon ngunit hindi lalampas ng P56-M

Maliban sa mga kandidato, umaalma rin ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa nasabing kautusan ng komisyon.

Sa resolusyon ng Comelec, hanggang 120 minuto na political advertisments na lamang ang papayagan para sa telebisyon at 180 minuto naman sa radyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply