APL.DE.AP, YEAH

trending-ngayon-sonny-angara

ISA ang Filipino-American na si Allan Pineda, na mas kilala bilang Apl.De.Ap. ng US hip hop group Black Eyed Peas sa 2012 Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardees.

Hinirang si Apl.De.Ap bilang isa sa pitong 2012 TOYM awardee dahil sa kanyang kahusayan sa contemporary music at sa kanyang itinayong The Apl Foundation na adbokasiya ang pagtulong sa mga bata at komunidad sa Pilipinas at Asia.

Hindi ko alam kung impromptu o parte ng programa ang pagra-rap ni Apl.De.Ap sa award ceremony na ginanap sa Palasyo kamakailan.

Napasayaw sa kanyang kinantang “Where is the love?” ang kapwa niya TOYM awardees na kinabibilangan nina GMA News anchor Rodrigo “Jiggy” Manicad Jr., Diwa partylist Rep. Emmeline Yan Aglipay, Professor Warren Baricados ng University of the Philippines-Los Baños, Abelardo Apollo David ng Reach Foundation, Ivan Anthony Henares ng UP Asian Institute of Tourism at Emelio “Chieffy” Caligdong ng Philippine Azkals.

Hindi rin napigilang mapasayaw ng ilan sa mga kapamilya ng kasalukuyang TOYM awardees at pati na rin kami na dumalo sa ceremony bilang guest dahil previous TOYM awardees, lalo na si Marikina Rep. Miro Quimbo – ang aking partner sa nakaraang impeachment trial.

Kung saya ang dulot ng “Where is the love?” para sa amin na naroroon, nasapol naman ni Apl.De.App ang mensahe ng okasyon nang kanyang kantahin ang “We can be anything.”

Laman ng lyrics ng kanta ang mga linyang: You can be a doctor/You can be a governor/ You can be a professor/ You can be a leader/ All you got to do is dream/ You can be anything…

Matatandaan na nagkaroon ng kolaborasyon sina Apl.De.Ap at ang American Idol finalist na si Jessica Sanchez para sa isang video na humihimok sa mga kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap.

Mayroon ding sariling music company si Apl.De.App – ang Jeepney Music, Inc. na talaga namang Pinoy na Pinoy, sa pangalan pa lang.

Umalis na ako mula sa Palasyo matapos ang ceremony pero na-last song syndrome yata ako sa “We can be anything” ni Apl.De.Ap.

Get your education/ Change your situation…

Binabati ko ang 2012 TOYM awardees. Mabuhay po kayo at ang bansa natin!

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply