Aplikasyon sa exemption sa gun ban inihain ni PNoy

pnoy0

KINUMPIRMA ni Comelec Commissioner Elias Yusoph, Chairman ng Comelec Special Committee on Election Gun Ban na nagsumite na ng aplikasyon ngayong araw si Pangulong Benigno  Aquino ng exemption sa gunban.

Ayon kay Yusoph, dumating kaninang umaga sa kanilang tanggapan ang aplikasyon ng pangulo para sa short at long firearms .

Gayunman, hindi naman binanggit ng komisyuner kung ilan ang mga baril  na ipinasasaklaw  ng Pangulo gayundin kung anong klase ng baril.

Tiniyak naman ni Commissioner Yusoph na dadaan sa proseso ang aplikasyon ng pangulo gaya ng ibang aplikante na isasailalim din sa  evaluation bago ibasura o aprubahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply