ARMMC pinamo-monitor ni Mayor Del vs Minengo

armmc

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Del De Guzman ang maagap na pag-monitor sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) matapos lumabas ang diagnosis na ang pasyenteng namatay ay mayroong meningococcemia, kagabi, ika-28 ng Enero, Lunes, dakong ika-10 ng gabi sa nasabing ospital.

Agad na nagsagawa ng pagdi-disinfect ang nasabing ospital kabilang na ang emergency room, at x-ray room. Binigyan na rin ng prophylaxis ang mga na-expose sa pasyenteng namatay.

Ang apat na taong gulang na pasyente na isinugod  sa nasabing pagamutan ay residente ng Montalban (Rodriguez) bayan ng Rizal.

“Bagamat ginagawa na ng kawani ng ARMMC ang lahat ng preventive measures upang hindi na kumalat ang virus na nagdadala ng nasabing sakit, inatasan na natin ang ating City Health Office na patuloy ang pakikipagugnayan sa ARMMC,” wika ni Mayor Del De Guzman.

“Bagamat ang pasyente ay dinala lamang dito sa ARMMC at hindi talaga taga Marikina, mainam na tayo ay mag-ingat pa rin. Kung may nararamdamang hindi maganda kahit simpleng lagnat tayo ay agad ng magpatingin sa doktor upang mabigyan ng nararapat na lunas,” dagdag pa ni De Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply