Arnel Ignacio kay BB Gandanghari: ‘Wag magpa-sex change!

BB-gandanghari

HUWAG magpa-sex change!

Ito ang payo ng TV host na si Arnel Ignacio kay BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) na napaulat kamakailan na pinaplanong magpa-sex change.

Ayon kay Arneli, kung siya ay kapatid ni BB ay papayuhan niya itong wag magpapalit ng sex organ.

Sa isang chicka sa radyo, ayon kay Arnel, marami na raw ang nagsisisi na sila ay nagpa-sex change. Gayunman hindi naman nagbigay ng halimbawa si Arnel.

Matatandaang vocal ang mga utol ni BB na sina Rommel at Robin Padilla na tutol sila sa plano ng kapatid.

Sa panayam naman ni Gretchen Barretto kay BB nang mag-guest co-host ito sa The Buzz nitong last Sunday, sinabi ng huli na hindi naman siya basta-basta magpapa-sex change. Aniya, pinag-iisipan daw niya itong mabuti.

Sa ngayon, binabalanse pa raw niya ang mga bagay-bagay.

Ano sa tingin n’yo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply