ARTIFICIAL PROSTHESIS PARA SA ODWs

hilda-online-logo

NOONG 2012, 16 na ODWs ang nabigyan ng artificial prosthesis na nagkakahalaga ng P1,056,930 at 100 ODWs na-man ang nabenepisyuhan ng livelihood courses at entrepreneurship training sa ECC accredited training institution.

Ito ang ilan sa nabiyayaan at naging ECP beneficiaries.

1. Jeffrey Caingoy – naaksidente habang nagtatrabaho na nagresulta sa pagkaputol ng kanyang kaliwang binti na sa bandang huli ay naging dahilan ng kanyang pagkakaalis sa trabaho. Sa pamamagitan ng serbisyong ipinamamahagi ng kagabay Program siya ay inutusang makipagkita sa TESDA at ang ECC naman ay nakipag-usap sa dati niyang pinagtatrabahuhan na kung saan siya ay muling tinanggap upang makapagtrabaho bilang “Net Mender” pagkatapos n’yang magsanay.

2. Aldrin Ojastro – isang seaman naaksidente habang nakasakay sa barko sa gitna ng karagatan. Nabigyan sya ng entrepreneurial course tungkol sa pag-aalaga ng kambing sa negoskwela. Siya ay nakapagpatayo ng sariling negosyo na nagsimula lamang sa 3 pares ng kambing at ngayon ay mayroon na siyang 50 kambing sa ilalim ng kanyang pangangalaga. Ngayon siya ay nagpaplano na kumuha ng makakatulong upang palawakin pa ang kanyang negosyo.

3. Danilo Cabar – naputulan ng kanang kamay habang nagtatrabaho bilang machine operator. Nabigyan sya ng ECC- kagabay Program ng isang prosthesis para sa kanyang siko na naputol at sumailalim sa isang physical therapy sa Philippine General Hospital, at ngayon ay nasa buying and selling ng slimming tea products.

4. Deonard Vicera – nagtatrabaho sa Kea Industrial Corporation, naputulan ng 2 daliri kaya siya ay naalis sa trabaho. Siya ay sumasailalim sa physical therapy sa PGH at binigyan ng high definition cosmetic gloves upang palakasin ang kanyang kamay.

5. Ang pangkabuuang paraan na ginawa ng ECC sa pagtulong sa mga ODW ay nagbigay buhay sa slogan na “Higit pa sa benepisyo ang binibigay na serbisyo”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply