Asawa ng gov’t employees, pinagpapasa ng SALN

saln

MAHIGPIT na ring pinagsusumite ng bagong form ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang asawa ng mga government employee.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, ang bagong form ay nabuo dahil sa impeachment case ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at kaso ni dating Armed Forces of the Philippines Comptroller Carlos Garcia.

Base sa bagong SALN, kailangang maisumite hanggang Abril 30, 2013 kasama na sa ipadedeklara ay ang SALN ng asawa.

Dalawang form ang isusumite ng isang government employee na SALN na isa sa kanya at isa sa kanyang asawa at kung parehong nagtatrabaho naman sa gobyerno ay puwedeng mayroong hiwalay na SALN form para sa
mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply