Assessment sa nabalahong barko ng US, isinasagawa ng Phl Navy

uss-guardian-1

NAGSASAGAWA na ang Philippine at US Navy ng isang assessment hinggil sa paano mapapaalpas ang isang barkong pandigma ng mga kano na nabalahura sa Tubbataha reef sa kalagitnaan ng karagatan ng Sulu.

Matatandaan ang USS Guardian, isang mine-counter measure ship ng US Navy na nakabase naman sa Sasebo, Japan ay nabalahura habang naglalayag sa nasabing lugar nitong nakaaraang lingo.

Ayon kay Commodore Josepg Pena, commander ng Naval Forces West ng Philippine Navy na ang isa sa mabuting balita na natanggap nila ay bumuti-buti na ang kalagayan ng panahon sa nasabing lugar.

Base sa panayam sa nasabing opisyal ng DzBB, mas madali na umanong makikita ng mga eksperto ang sitwasyon ng naturang barko ng mga Amerikano at mas mapapadali na ang pag diskarte kung paano ito hahatakin sa naturang reef.

Sa kabila nito, ayon pa sa opisyales ng Philippine Navy, dedepende pa rin sa makikitang lagay ng panahon sa nasabing lugar kung paano na maaring simulan ang paghatak sa nabalahong barko ng mga Amerikano.

Ayon pa sa nasabing opisyales, mayroon na tatlong barko ang Philippine Navy at isang barko naman ng Philippine Coast Guard ang nasa lugar at nakahanda umanong magbigay ng tulong.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply