ATIMONAN CASE TIYAK NA LULUTUIN NG IAS

burdado-jun-briones2

BANNER story sa mga pahayagan ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service na kasuhan ang 22 pulis na sangkot sa pamamaslang sa Atimonan.

Tangna, parekoy, malaki ang posibilidad na isa itong paraan kung paano lulutuin ang nasabing kaso laban sa grupo ni Col. Marantan!

Pupusta ako, patutulugin muna ng IAS ang kasong ito at kapag lumamig na ang isyu ay saka ito ililigwak!

Tanungin mo ako, Dir. Alexander Roldan, IAS Inspector General, kung bakit ko nasabing lulutuin ninyo ang kasong ito laban sa mga pulis.

May personal akong karanasan sa inyong opisina!

February  2012  nang  magsampa ako ng kaso sa IAS Region 4-A, laban sa isang abusadong pulis pero hanggang ngayon, mag-iisang taon na ay wala pa rin itong resulta! Kahit may nagtimbre na sa atin na niluto na ang kaso ay hindi ko ito inuungkat para madokumentuhan ko talaga ang kagaguhan ng IAS!

Sa simula pa lang ay may mga pulis na nagpayo sa akin na “kung gusto mong makakuha ng patas na paglilitis ay huwag na huwag magsampa ng kaso sa hinayupak na opisinang ‘yan!”

Akala ko noon, Dir. Roldan, ay tsismis lang ang ipinarating sa akin ng mismong mga pulis. Totoo nga Dir. Roldan, walang kakwenta-kwenta talaga ‘yang tanggapan ng IAS.

Dapat nilulusaw na ‘yan! Letseng opisina na ‘yan!

Kung walang planong lutuin itong kaso laban sa 22 pulis, ba’t hindi mismong sa Napolcom isampa ang kaso sa kanila?

Bakit biglang nasali sa usapan ang IAS? Bakit sila ang ibinandera ni PNP Chief na magsasampa ng kaso gayong NBI ang nag-iimbestiga at may hawak ng mga ebidensya?

Dapat sana ay hintayin muna ang kumpletong resulta sa imbestigasyon ng NBI at sila na mismo ang magsampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga pulis!

Sa biglang pagpasok ng IAS dito sa Atimonan case, maliwanag pa sa sikat ng araw  na inumpisahan na itong lutuin!

Eh kung ang simpleng kaso laban kay P01 Bokingkito ay minaniobra ng IAS, ‘yan pa kayang Atimonan case na ang nasasangkot ay sina Gen. James Melad, Col. Glenn Dumlao, Col. Hanzel Marantan at iba pang matitikas na opisyal?

Paano mo maipapangako sa taumbayan, Dir. Roldan, na magiging patas kayo sa pagdinig sa kaso ng Atimonan, eh, kaso nga sa P01 ay niluto? Sa totoo lang Dir. Roldan, wala nang kredibilidad ‘yang IAS, kaya ‘wag na kayong makisawsaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply