Atty. Gigi Reyes nag-sorry kay Sen. Cayetano

NAG-ISYU na statement at public apology si Atty. Gigi Reyes, chief of staff ni Senate President Juan Ponce-Enrile kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at iba pang senador.

Ito ay kasunod ng kanyang pagtawag na ‘ipokrito’ kay Cayetano sa isang panayam sa radyo. Nag-sorry din si Atty. Reyes sa pagtawag niya na ‘Alan’ sa senador.

Humingi rin ng dispensa si Reyes sa iba pang senador na bumabatikos sa Senate President at maging sa publiko.

Sa kanyang statement ngayong umaga, sinabi ni Reyes na nadala lamang siya ng kanyang emosyon kaya lumabas na bastos siya at walang paggalang sa mga senador.

Nakasaad din sa statement na kahit may basbas ni Enrile ang kanyang pagtawag sa isang radio network para magkomento sa naturang isyu, ay iginiit nitong personal niyang opinyon ang pagtawag na ‘hypocrite’ kay Sen. Cayetano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply