‘Auring’ nag-landfall sa Palawan

NAG-LANDFALL ang bagyong Auring sa southern tip ng Palawan kanina.

Ayon sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng bagyong Auring ang kanyang lakas.

Taglay ni Auring ang lakas ng hangin na 65 km per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Huling namataan ang bagyo sa Buliluyan, Palawan o sa may layong 210 kilometers (km) timog-kanluran ng Puerto Princesa City.

Tinatahak ng bagyo ang pakanlurang direksyon sa bilis na 28 kph.

Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa (signal No. 2) sa Southern Palawan, habang babala bilang isa sa nalalabing parte ng probinsya.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa apektadong lugar sa posbilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng dalang ulan ng bagyo.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng teritoryo ng bansa si Auring ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply