Australyano nahulihan ng mga bala sa NAIA

NAIA-pic

INARESTO kaninang umaga ang isang Australian national sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 makaraang matagpuan ang 45 rounds ng bala ng .9mm at walang lamang magazine sa kanyang check-in luggage.

Kinilala ang inaresto na si Andrew David Stroud na mula sa isang bakasyon sa Bacolod.

Si Stroud ay dumating sa NAIA terminal 2 dakong alas-7:55 ng umaga na may connecting flight patungong Bangkok ng Philippine Airlines flight PR-730.

Nang idaan sa x-ray security check ang bagahe ng Australyano, napuna ng isang tauhan ng Office of Transport Security (OTS) na siyang namamahala sa x-ray machine, ang mga imahe ng bala sa loob nito.

Agad na dinala ang banyaga sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa RA 8296 at sa Commission on Election gun ban.

Samantala, pansamantalang hinarang ng Customs police agents at mga miyembro ng OTS kanina ring umaga ang isang Indian national na patungong Bangkok dahil sa pagdadala ng isang air-soft gun replica.

Pinayagan namang makaalis ng bansa ang banyaga matapos isuko ang naturang replica.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply