Away pag-ibig: Nurse, tattoo artist niratrat sa Pasay

crime11

HINALA ng pulisya na “love triangle” ang motibo sa pamamaril sa isang tattoo artist at isang nurse nang hindi pa nakikilalang suspek sa Pasay City sa ulat ng pulisya.

Kritikal ang kalagayan ni John Christopher Palad, 25, ng 2434 M. dela Cruz St., sanhi ng apat na tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang nahagip naman ng bala sa tiyan si Baby Abigail Gagarin, 27, may asawa at residente ng Block 3 Lot 12 Saint Anthony St., Adelina Homes, Lipa City.

Ang dalawa ay kapwa isinugod sa Pasay City General Hospital.

Sa imbestigasyon ng Pasay City police, sinundo ni Palad si Gagarin sa Cash and Carry sa Buendia, Makati city dakong alas-11:30 ng tanghali matapos itong lumuwas mula sa kanilang lalawigan sa Batangas.

Isinama pa ni Palad ang babae sa kanyang tirahan sa Pasay bago muli silang umalis dakong ala-1:30 ng hapon sakay ng kotseng may plakang PGT-525 patungo sa hindi nabatid na lugar.

Ngunit pagsapit ng dalawa sa kanto ng M. Dela Cruz at Arnaiz St., bigla na lamang silang niratrat ng nag-iisang suspek na mabilis na tumakas at sumakay sa isang naghihintay na kasama na nagmamaneho naman ng motorsiklo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply