Away pamilya: Mister sinaksak ng balae, patay

crime6

DALAWANG saksak sa tiyan ang tumapos sa buhay ng isang padre de pamilya matapos saksakin ng kanyang babaeng balae dahil sa away pamilya sa Iriga City, Lunes ng gabi (Enero 14)

Naisugod pa sa Bicol Medical Center (BMC) si Leonilo Caganda, 55-anyos ngunit makalipas ang ilang oras, ay namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Sumuko naman agad at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Josefine Capalos, 32-anyos na ngayon ay nakakulong sa Camarines Sur Police Provincial Office.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng bahay ng suspek.

Pinuntahan ni Caganda ang bahay ng kanyang balae na noon ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kapitbahay upang komprontahin ukol sa matandang alitan.

Subalit humantong ang magbalae sa mainit na pagtatalo hanggang sa biglang saksakin ng suspek ang biktima.

Nabatid na may matagal nang hindi pagkakaintindihan ang pamilya ng biktima at ng suspek na nais tapusin ni Caganda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply