Awayan sa jueteng, ipinasisilip sa Quezon shootout

atimonan2

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Director General Alan Purisima, Philippine National Police  chief, ang alegasyon na ang pagpatay sa 13 katao sa Atimonan, Quezon nitong nakaraang Linggo ay sanhi ng ‘turf war’ o awayan sa jueteng.

Sinabi ni Purisima na isang fact-finding team, na pinamumunuan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Deputy Chief Senior Supt. Federico Castro, ang ipinadala sa Quezon para linawin ang naturang shooting incident na ikinamatay ng 13 katao, kanilang ang 3 pulis ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) at isang sundalo.

Ilan sa mga kamaganak ng mga napatay na mga suspect, na inisyal na sinabing kabilang sa Siman gun-for-hire group, ang umapela na imbestigahan ang insidente.

Naniniwala sila na ang insidente ay isang rubout. Ito ay matapos sumingaw ang ulat na ang peronalidad sa magkabilang panig na sina Victorino Siman at Supt. Hansel Marantan, ay dati nang sangkot sa gambling operations.

“Iyun ay pinapa-validate natin sa mga intelligence operatives tungkol sa involvement nitong si Siman at saka iyung supposed to be kapatid ni Marantan na nagpapatakbo sa bookies,” pahayag ni Purisima.

Kilala si Siman na operator ng illegal numbers game “jueteng” sa Laguna, habang si Marantan ng Quezon police regional intelligence office ay may kapatid umano na nagpapatakbo ng  small town lottery sa Calamba.

Ang pagkalehitimo ng operasyon ay lalo pang nagpataas sa pagdududa nang maiulat na may P100 milyon na dala umano ng mga napatay na biktima ay nawawala.

Tanging si Marantan lamang ang nasugatan sa mga pulisya na nagkakasa ng checkpoint.

Sinabi ni Purisima na ang fact-finding team ay malalaman ang lahat ng pangyayari  sa nasabing  police operation, na inihayag ng  Quezon Provincial Police na isang lehitimo.
Nangangamba rin siya na magkaroon ng whitewash sa pagiimbetiga.

“Iyung ibang detalye, iyun ang kailangan nating alamin kung paano sila nagkaroon ng impormasyon na ganoon, kung saang lugar ang pinangyarihan at kung ano yung mga actions ng kada-individual doon sa pagche-checkpoint na iyon,” pahayag ni Purisima.

“Ang SOP natin, as of now, we are holding the regional directors and provincial directors responsible for their men. They should be available for questioning. Kapag nagkaroon na ng duda, ire-restrict na natin ang lahat ng personnel involved,” he added.
Sinabi rin ni Purisima na kabilang din sa magiimbestiga ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) personnel na siyang mageeksamin sa mga bala na nakuha sa crime scene.

Aminado naman si Purisima na ang crime scene ay maaaring mamanipula kung ang insidente ay talagang rubout, pero sinabing  “no crime is perfect.”

Samantala, sinabi ni Purisima na si Consemino ay walang criminal record ast maging si Lescano, na isang Air Force officer.

Nagsimula ang palitan ng putok nang tumanggi ang mga kalalakihang lulan sa dalawang sports utility vehicles na mainspeksyon at sa halip ay pinaputukan ang mga tauhan ng  police at military checkpoint sa Maharlika Highway sa Barangay Lumutan. Labing isa ang agad namatay habang ang 2 naman ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Kinilala ang mga namatay na sina Victorino Siman Atienza, Gerry Ancero Siman, Conrado Decillo, Leonardo Catapang Marasigan, Victor Garcia Gonzales, Supt. Alfredo Perez Consemino, chief of operations of Police Regional Office – Mimaropa,  Staff Sgt. Armando Aranda Lescano, SPO1 Gruet Mantuano, PO1 Jeffrey Valdez, Tirso Lontoc, Maximo Manalastas Pelay, Jimbeam Dyico Justiniani, at Paul Arcedillo Quiohilag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply