Azkals nabusalan sa 147th spot ng FIFA world rankings

azkall

NAKATALI pa rin ang Philippine Azkals sa 147th spot sa inilabas na bagong world rankings ng FIFA kahapon.

Naabot muna ng Azkals ang 143rd posisyon, ang pinakamataas na baitang na naabot sa kasaysayan ng Philippine Football noong Nobyembre, 2012.

Subalit umatras ito makalipas ang isang buwan nang mabigo silang makuha ang titulo sa AFF Suzuki Cup.

Nasa tersero puwesto ang Azkals sa Southeast Asian region sa likod ng 134th Vietnam at 138th Thailand habang pang-apat ang AFF Suzuki Cup champion Singapore sa 154th.

Sa Marso 22-26 ay sasalang ang Pinoy booters sa unang major international tournament bilang host ng Asian Football Confederation Challenge Cup qualifiers na gaganapain sa Rizal Memorial Football Stadium.

Makakatadyakan ng Azkals, na umaasang malalagpasan ang third place finish noong isang taon sa main draw ng Cup sa Nepal, sa Group E ang Brunei, Cambodia at runner-up na Turkmenistan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply