Baby natagpuang patay sa bukid

laoag

NATAGPUANG patay ang isang sanggol ng isang magsasaka sa bukid sa Laoag City kaninang madaling araw.

Nakita ang sanggol na nakabalot ng puting lampin at naka-pajama na may tatak na Baby Diego ng isang nagngangalang Emerson Domrique na agad namang ipinaalam sa may kapangyarihan.

Hindi pa matukoy kung sino ang ina ng sanggol na tinatayang mahigit isang buwan pa lamang na nakitang patay sa boundary ng Brgy. 1 at Brgy. Sta Maria sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Domrique, malambot pa ang katawan ng sanggol nang kanyang matagpuan na ayon sa pagsusuri ng mga doctor, posibleng iniwan ang sanggol kaninang madaling araw lamang.

Ayon sa PNP, posibleng hindi residente ng naturang lugar ang ina ng sanggol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply