Backhoe operator sa Maguindanao massacre hinarang maging state witness

bong-andal

IGINIIT kanina ng kampo ng mga Ampatuan sa Quezon City court  na balewalain ang mosyon ng prosekusyon na gawing state witness sa kaso si Bong Andal, ang gravedigger at backhoe operator sa naganap na Maguindanao masaker.

Sa limang pahinang rejoinder nina dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr, anak na si dating Datu Unsay town mayor Andal Ampatuan Jr, at  dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan , iginiit ng mga ito kay QC  Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes  na ibasura ang petisyon na gawing state witness si Andal  at huwag aalisin sa talaan ng mga akusado sa naturang krimen dahilan sa kakulangan sa merito .

Binigyang diin ng kampo ng mga Ampatuan na ang korte lamang  ang tanging may kapangyarihan na desisyunan ang mosyon ng prosekusyon .

Magugunitang  si Bong Andal ang operator  ng  backhoe  na  natagpuang inabandona  sa crime site sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan noong 2009 sa  naganap  na Maguindanao masaker  na ikinamatay ng 58 biktima  kabilang  ang 32 mediamen.

Nauna  rito, noong November 24, 2012 nadakip  ng awtoridad  si Andal sa Midsayap, North Cotabato  sa isang entrapment operation  na isinagawa  ng 40th Infantry Battalion ng Phil Army.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply