Bae, nasa PDEA watchlist na noon pang 2010

crime7

LUMALABAS na simula pa pala 2010 ay nasa watchlist na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang napatay na massacre killer na si Ronald Bae, ayon sa pahayag ng isang opisyal ng ahensya.

Sinabi ni PDEA regional director Emerson Margate na nailagay si Bae sa watchlist nang salakayin ng operatiba ng PDEA ang kanyang bahay noong 2010 base sa ulat na nagtutulak ito ng iligal na droga.

Sa katunayan, sinabi ni Margate na may nakabinbin itong kaso ng  illegal drug possession sa isang korte sa Cavite.

Bago ito, sa natanggap na ulat ng PDEA, nasangkot si Bae sa drug activities sa nasabing lugar kasabay ng pagpapatakbo ng “buy-and-sell” business bilang kanyang front.

Pero kasunod ng kanyang pagkakadakip noong Marso 2010, bigla itong nag-lie low.

Simula noon ay hindi na muling nadakip si Bae pero base sa ulat na natanggap ng PDEA, humihithit pa rin ito ng droga.

Sa kabila naman na napatay si Bae, sinabi ni Regional police director Chief Superintendent James Melad na maaari pa ring maharap si Bae sa prosekusyon sa kasong sibil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply