Bagets na buntis pisak sa SUV sa killer highway

crime3

NAGKALASOG-LASOG ang katawan isang 15-anyos na buntis makaraang masagasaan ng isang SUV sa kahabaan ng tinaguriang killer highway sa Quezon City.

Dead on arrival sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang biktimang si Danica Valbueno, 15-anyos residente ng Barangay Commonwealth, sanhi ng tinamong kapanansan sa katawan.

Sumuko naman agad sa pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Valeriado Ponce, 55-anyos.

Sa imbestigasyon ni field investigator Edgardo Eujenio, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa harapan ng Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue, Q.C.

Bago ito, ayon sa kasamang kaibigan ng biktima, tumatawid lamang sila sa nasabing kalsada nang biglang sumulpot ang isang Nissan X-Trail Wagon (OIQ 777) na mimananeho ni Ponce.

Napag-alaman pa na may bibistahin lang sana ang biktima sa katapat na kalsada nang mangyari ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply