Bago nagbaril sa sarili, misis binoga ng selosong mister

dead

SA PAG-AAKALANG napuruhan ang kanyang pinagbabaril na misis, nagbaril sa sarili ang isang lalaking naburyong sa pagseselos sa Cagayan, Martes ng gabi (Enero 8).

Dead on the spot si Terry Dimalanta, 33-anyos residente ng Barangay Taguntungan sa bayan ng Baggao, Cagayan, dahil sa tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo.

Pinalad namang naisalba ng mga mangagamot sa Cagayan Valley Medical Center( CVMC) ang biktima na si Estela Ortiz, 29-anyos residente rin sa nasabing lugar, na nagtamo ng tama ng bala sa balikat at kanang kamay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:35 nitong Martes ng gabi sa bahay ni Ortiz.

Ayon kay PO2 Leo M. Pascual, case investigator, bago ang insidente ay inabot ng suspek na nagtotong-its sa sala ang kanyang misis kasama ang nanay nito at dalawa pang player na kalalakihan.

Bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima na bumulagta sa sahig.

Nang makita ng suspek na naliligo sa sariing dugo ang kinakasama, ay itinutok nito sa ulo ang baril at saka kinalabit ang gatilyo.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang isang kalibre .45 na baril na ginamit sa krimen, cellular phone, mamahaling relo, susi ng motorsiklo, bracelet at singsing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply