Bagong campaign rules, pinanindigan ng Comelec

brillantes

SA kabila ng mga kuwestiyon at batikos ng ilang grupo, nanindigan pa rin ang Commission on Elections (Comelec) na mahigpit na ipatutupad ang bagong panuntunan na itinakda nito hinggil sa pangangampaniya para sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., inaasahan na nilang hindi magugustuhan ng mga pulitiko ang naturang bagong panuntunan sa pangangampanya ngunit sa kabila nito aniya ay mahigpit pa rin nila itong ipatutupad.

“As expected, our new campaign rules do not sit well with politicians, but unless reversed, we will apply it whether they like it or not,” pahayag pa ni Brillantes sa kanyang Twitter account.

Sinabi ng poll chief na matagal na pinagdebatehan at pinag-aralang mabuti ng Commission en banc ang bagong panuntunan bago ito tuluyang ipinatupad kaya’t kumpiyansa aniya silang legal ito at naaayon sa Saligang Batas.

“This has been a subject of a careful study & long debate w/in the Commission en banc. We have not drafted this overnight,” tweet pa ni Brillantes.

“Our rules–especially the imposed TV ad limit–merely implements existing laws and are well within Comelec’s regulatory powers–constitutional and legal,”  aniya pa.

Nagpahayag rin naman ng kahandaan si Brillantes na harapin ang anumang kuwestiyon sa constitutionality ng bagong panuntunan.

“Also, Comelec will welcome any challenge to the constitutionality of our new rules on election campaign,” aniya.

Nauna rito, naglabas ng resolusyon ang Comelec na naglilimita sa airtime ng mga campaign advertisements, sa radyo at telebisyon, at maging sa online campaign.

Ilang grupo naman ang tumutol dito tulad ni senatorial bet Cynthia Villar na nagsabing ito’y disadvantage sa tulad niyang ‘newcomer’ lamang at magbibigay ng lamang sa mas prominenteng kandidato.

Tutol rin naman dito ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at hiniling na baligtarin ito ngunit hindi pinagbigyan ng Comelec.

Alinsunod sa bagong rules, ang mga kandidatong tumatakbo sa national posts ay papayagan lamang magkaroon ng 120 minutes na airtime sa TV at 180 minutes sa radio para sa kanilang campaign ads habang ang mga local na kandidato naman ay bibigyan ng 60 minutong airtime sa TV at 90 minutes naman sa radio.

Hindi na rin per station ang campaign ads kundi collective o aggregate, taliwas sa nakalipas na halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply