Bagong LPA namataan sa Mindanao, binabantayan

PAGASA-DOST

MINOMONITOR ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 1,110 kilometro sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang naturang sama ng panahon ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ICZ) na maka-aapekto sa buong Mindanao.

Sa silangang Visayas at Mindanao, ay magiging maulap ang kalangitan na may mahinang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Apektado naman ng Hanging Amihan ang Northern Luzon.

Mararanasan sa Cagayan Valley ang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan, habang ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may dagliang pag-ulan at pagkulog.

Samantala, nakataas ang gale warning sa seaboards ng Northern at Central Luzon at sa eastern seaboard ng Southern Luzon at Eastern Visayas. Pinapayuhan ang mga mangingisda sa mga nabanggit na lugar na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply