BAGONG PUWERSA SA LAGUNA

bobby-ricohermoso

ANG isa mga bentahe kung bakit kailangang idaos ang mga halalan ay upang mabigyan ng tsansa ang mga mamamayan na mamili ng mga taong sa tingin nila ay makatutulong para mabago at umunlad ang kanilang pamumuhay.

Sa ganoonng paraan, puwede nilang sibakin sa puwesto ang mga opisyal na sa tingin nila ay puro pangako lang pero napapako naman ng mga bagong kandidato na sa tingin nila ay mas matino at handang tumulong sa kanila.

Speaking of pangako, mukhang maganda ang layunin ng grupong itinayo ni Santa Maria Mayor Antonio “Tony” Carolino, na tumatakbo bilang kongresista sa 4th congressional district ng Laguna.

Tinawag nila ang grupo nila na Solid Fourth na kumakatawan sa ikaapat na distrito ng lalawigan na binubuo ng 16 na bayan.

Sa kanyang talumpati kamakailan, inilatag ni Carolino ang kanyang mga plano para mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan sa kanilang distrito.

At dahil ang karamihan sa mga bayan sa lugar nila ay malapit sa baybayin ng Laguna de Bay, pinagtutuunan niya ng pansin kung paano pipigilan ang madalas na pag-apaw ng tubig doon pag panahon ng tag-ulan at mga bagyo.

Idiniin ni Carolino na walang kinikilalang boundary ang baha at lahat ay puwedeng salantain nito,  kaya nararapat lang na magtulungan ang lahat para lutasin ang nasabing suliranin.

Sa himig ng pananalita niya ay isang environmentalist at tagapangalaga ng kalikasan si Carolino dahil binibigyang-pansin niya ang kahalagahan ng kapaligiran para malabanan ang hagupit ng kalikasan.

Dahil sa adbokasiya niya ay umani siya ng suporta mula sa maraming mga grupo at maging sa mga pangkaraniwang mga mamamayan.

Gusto ni Carolino na maging daan ang “Solid Fourth” para kumilos na may pagkakaisa ang mga taga-Laguna upang sa ganoon ay makamit nila ang tagumpay hindi lamang laban sa baha kundi maging laban sa kahirapan.

Mukhang maganda naman ang adhikain nitong si Carolino kaya dapat lang siguro na bigyan siya ng pagkakataon ng mga kababayan niya sa kanilang distrito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply