Bagong SALN form inilabas ng CSC

civil-service-commission

AMINADO ang pamunuan ng Civil Service Commission na ang Corona impeachment ang siyang pangunahing dahilan upang repasuhin at baguhin ang porma ng statement of assets, liabilities and networth (SALN) para sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno.

Sa isang press conference, tinukoy ni CSC Chairman Francisco Duque na bagama’t mas simple ang porma ngayon ng SALN ay mas mahigpit naman aniya ang compliance dito upang masiguro na hindi na mauulit ang diumano’y malabong impormasyon na inilalagay sa SALN na siyang naibutas kay dating Chief Justice Renato Corona.

Kung sakali rin aniyang may mga pagkakamali sa deklarasyon ng mga ari-arian at utang ay may 30 araw ang isang empleyado at opisyal ng gobyerno upang ito ay itama.

“Recognizing the importance of the SALN as a tool to deter corruption in government, the CSC deems it necessary to continue fine-tuning the form to make filling it out easier, but still having the needed alarm indicators to determine illegally acquired wealth of public officials and employees,” ayon kay Duque.

Mas minarapat aniya ng CSC, matapos ang mahabang konsultasyon na gawing simple ang SALN upang maiwasan na ang lagay o “token compliance” sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan.

Kasabay nito ay nanawagan si Duque sa publiko na i-report sa kanyang tanggapan ang alinmang mga kahina-hinalang luho ng mga government official at employees upang masiyasat kahit ang reklamo ay walang pagkakakilanlan.

Ang deadline ng pagsusumite ng SALN ay tuwing April 30.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply