Bagong taon, lumang bulok na sistema sa DILG at DOLE

_benny antiporda

KAILAN pa titino ang bansang Pinas?

Kung ang simpleng Juan dela Cruz ay may New Year’s resolution, ang tao sa gobyerno ay likas na atang bulok sa pakikitungo sa taumbayan.

Isang simpleng halimbawa ay ang pagiging abusado ng mga tao ng Department of Labor and Employment (DOLE).

CONSTRUCTION SA DOLE

Ginagawa ang kanilang gusali sa kahabaan ng Muralla St. sa Intramuros, Manila.

Kamakailan ay sinara ang kalye para hindi maraanan.

Ngayon ay binuksan na sa publiko dahil na rin siguro sa rami ng reklamo.

Pero sadyang gago at abusado talaga ang mga empleyado ng DOLE.

Sa kitid ng kalye ay pinayagan pa ng mga gagong guwardiya ng DOLE sa ilalim ng EAGLEMATRIX Agency na i-park ang kanilang dambuhalang bus.

ONE WAY DAW

Personal nating nakita ang ginawa nilang ito kung saan tinanong natin kung bakit ganoon ang kanilang ginagawa.

Nagalit pa ang guwardiyang TOMAS ang apelyido at sinabing one way raw ang nasabing kalye kaya OK lang na naka-park ang kanilang bus.

Hoy! Gago! Kahit one way ay hindi kasya ang sasakyan d’yan, sidecar lang ang magkakasya sa ginawa n’yo! Tanga!

PULIS TRAFFIC

Dumating ang dalawang pulis ng MPD Traffic Bureau, sa halip na tumawag ng wrecker para tanggalin ang nakabalagbag na bus ay tayo po ang pinaatras.

LAW MAKER, LAW BREAKER

Dahil sa ahensiya ng gobyerno ang DOLE, maaari na natin itong ikonsidera na tinatawag na ‘law makers’ hindi ba, mga Bro?

Gayung kitang kita rin na sila ang number one law breaker.

MATUWID NA DAAN

‘Yan ba ang matuwid na daan na sinasabi ni Pang. Noynoy Aquino?

Nagtatanong lang po!

DILG LABAN SA JUETENG

Kalaban lang ba talaga ang kayang pigilin ng DILG laban sa jueteng?

Bakit sa bakuran nila mismo sa Kyusi ay hindi nila mapatigil?

BAGONG TAON

Bagong Taon ay bagong bangka ng jueteng ang sumibol sa Kyusi.

Isang Reyes na nagmula pa sa San Pablo City ang tumatayong bangka ngayon sa Kyusi jueteng operations.

ROCKY NG QCPD

Isang Rocky raw ng Quezon City Police District ang tumatayong padrino ni Reyes kung kaya’t untouchable ang operasyon nito.

Ito rin ba ‘yung Rocky na nakikita sa opisina ni QCPD Dir. Mario dela Vega tuwing Biyernes?

Na sparring partner naman ng isang Col. Pagdilao sa Kyusi?

AKSYON NG DILG

Inaasahan ng ULTIMATUM na aaksiyunan ng DILG ang sumbong na ito para patunayan na wala silang sinisino pagdating sa iligal na jueteng.

HAPPY NEW YEAR NAMAN TAYO

Salamat sa mga taong hindi nakalimot tumulong sa ating mga kapatid sa National Press Club.

Unahin na natin ang nagbabalik sa Senado na si Sen. Jamby Madrigal at siyempre ang magaling na mayor ng Marikina na si Hon. Del de Guzman.

ALAM CONGRESSMAN

Hindi rin nagpahuli si Alab ng Mamamahayag Congressman at NPC Treasurer Jerry Yap.

Muli ay pinatunayan nito ang kanyang pagmamahal sa mga miyembro ng NPC.

Mula Quezon Province ay pinilit pa nitong bumiyahe pababa ng Maynila noong Dec. 28, 2012 para lang makasama ang mga NPC member sa post Xmas at New Years Party.

Gaya nang inaasahan bumaha na naman ng kasaganahan sa NPC.

WALANG UMUWING LUHAAN

Lahat nang umuwi ay may bitbit, na masisigurong mayroon silang pang-Media Noche man lang.

Hindi man todo ngiti ang naibigay ng NPC leadership sa mga miyembro… sigurado naman tayong walang umuwing luhaan.

HAPPY NEW YEAR SA PCSO

Samantalahin na rin natin ang buong taong New Year na handog ng Philippine Charity Sweepstakes Office PCSO sa NPC.

Salamat PCSO Chair Margie Juico, GM Joy Rojas at Dir. Mabel Mamba sa walang sawang pagtulong sa mga pasyenteng tinutulungan din ng NPC.

BA BABIES

Mahigit 20 pasyenteng bata na ang nabigyang tulong ng PCSO na natumbasan ang buhay sa pamamagitan ng liver transplant.

‘Yan ay ang mga batang may sakit na biliary atresia na kapag hindi napalitan ng atay ay siguradong mamamatay.

SALAMAT SA PAGCOR

Isang regalong panghabambuhay ang regalo ng PAGCOR sa mga mamamahayag sa bansa makaraang suportahan nito ang scholarship program ng NPC.

Bukod sa mga anak ng media ay sinuportahan din ng pamunuan ni PAGCOR Chair. Cristino Naguiat ang scholarship program ng mga undergraduate na mamamahayag.

TWO BATCHES NA

Dalawang batch na ang graduates ng NPC sa Off-Campus Project nito sa pamamahala ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Na pinamunuan naman ng masipag na si NPC Vice President Marlon Purificacion.

MATUWID NA DAAN 

Kung ganyan ang pananaw ng bawat tao sa gobyerno at may malasakit sa kapwa Pinoy ay wala tayong duda na ito na nga ang sinasabing MATUWID NA DAAN.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply