Bahagi ng korona ng Black Nazarene, nawala

nazareno

NAWALA ang ilang bahagi ng korona ng Itim na Nazareno matapos ang may 18 walong oras na translacion kahapon.

Nabatid na tumagal ng 18 oras ang prusisyon bago naibalik ang imahe ng mahal na Poong Nazareno sa simbahan ng Quiapo kaninang madaling araw dakog ala 1:30 .

Nawala ang isa sa tatlong sinag sa korona ng imahe, na umano’y hindi napansin na nahulog dahil sa dami ng mga deboto na dumalo.

Kinumpirma rin ng isa sa mga Hijos del Nazaren na nawala ang bahagi ng korona sa kasagsagan ng prusisyon.

Balik normal na ang sitwasyon sa simbahan ng Quiapo bagama’t marami pa ring mga deboto ang nagpupunta dito.

Aabot sa mahigit na 860 ang nasaktan sa prusisyon bagama’t mga minor injuries lamang ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply