Bahay ng executive assistant ni Gabby Lopez niransak ng mga ‘parak’

akyat-bahay-gang

NIRANSAK ng mga nagpanggap na pulis ang bahay ng executive assistant ni ABS-CBN Chairman Eugenio ‘Gabby’ Lopez III sa Spout Fuentebella St., sa Barangay Laging Handa sa Quezon City kaninang alas 12 ng tanghali (Enero 20).

Ayon sa biktimang si Jeff Macadaeg, naglilinis ng sasakyan ang isa sa kanilang kasamahan sa bahay nang tutukan ng baril ng isa sa tatlong armadong suspek sa may gate at hinatak papasok ng bahay.

“Kunyari may hinahabol silang holdaper, mga pulis daw sila, mabubuting tao raw sila, ayun, Hinatak ‘yung pinto nung pumasok, mga holdaper ‘to kako.Tapos pinagdadapa na kami, saan daw yung tinatago naming magnanakaw d’yan? Eh pinadapa kami doon pagtapos nang makitang walang makukuha sa baba, pinapasok kami sa kwarto,” pahayag ng Macadaeg.

Habang nasa loob, hinalughog aniya ng mga suspek ang kanilang kwarto at nang makita ang kaha de yero ay binuksan at tinangay ang mga alahas, pera at iba pa na nasa loob nito.

Ayon kay Macadaeg, nasaktan ang kanyang maybahay matapos paluin ng baril at suntukin ng mga suspek.

Makikilala umano nila ang mga nanloob sa kanilang bahay dahil wala naman itong mga takip sa mukha at armado ng kalibre .38 na stainless, isa pang .38 na itim at isang kalibre .45 na baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply