Bahay ng prov’l board member ng Sarangani, pinaulanan ng bala

PINAULANAN ng bala ang bahay ni Sarangani Provincial Board member Eugene Alzate sa barangay Poblacion, bayan ng Glan, lalawigan ng Sarangani kaninang madaling araw.

Ayon kay Police Chief Inspector Joefel Remudaro, hepe ng Glan Police Station, ang insidente ay naganap dakong 1:00 ng madaling araw (January 19) nang  isang suspek na sakay ng isang motorsiklo na naka-jacket ang nagpaulan ng bala sa bahay ng nasabing opisyal at mabilis namang tumakas pagkatapos ng pamamaril.

Sa nasabing pangyayari, wala namang naiulat na namatay o nasaktan maliban lang sa nagkabutas-butas ang kanilang bintana, treehouse at pintuan.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang nasa likod sa pangyayari. Nakuha sa pinangyarihan ang anim na basyo ng kalibre .45 na baril.

Sa ngayon, wala pang maiturong salarin ang pulisya maging ang opisyal ng lalawigan kaya mas hinigpitan na nila ang ginagawang checkpoint at pagpapatupad sa election gun ban sa daan papasok at palabas ng bayan habang sinisiyasat pa kung pulitika ang motibo sa
pangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply