Bakasyunista inararo ng trak sa Albay, tigbak

bangkay-4

IMBES engrandeng bakasyon ay malagim na trahedya ang sinapit ng isang lalaki matapos na suwagin ng trak sa Albay nitong Biyernes ng gabi (Enero 25).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktima na si Nicky Galvo, 39-anyos, taga Metro Manila at nagbabakasyon lamang sa Albay.

Hinahanting na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang drayber ng trak na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:45 nitong Biyernes ng gabi sa isang bahagi ng Barangay Kimantong, Daraga Albay.

Bago ito, naglalakad ang biktima sa nasabing kalsada nang biglang suwagin ng truck at makaladkad pa hanggang sa tumilapon sa gilid ng kalsada.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang pulisya sa pamilya ng biktima para maiuwi na ang bangkay nito sa kanilang bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply