Bakbakan sa Jockey-of-the-year

MAHIGPIT ang labanan para sa Jockey-of-the Year dahil parehong karapat-dapat ang mga hineteng nasa top three list ng high earnings sa taong 2012.

Okupado nina reigning J-O-Y Jessie Guce, former J-O-Y Jonathan Hernandez at many-time J-O-Y Patty Dilema ang first, second at third place sa high earnings ayon sa pagkakasunod.

Magaganda ang naging performance nina Guce, Hernandez at Dilema kaya hanggang ngayon ay wala pang napipisil para sa nasabing prestihiyosong award.

Matapos ang 11 buwan, (Jan.-Nob.) si class A jockey Guce ang nangunguna sa listahan ng mga top money-earner na may kabuuang P5,046,021 sa loob ng 233 panalo, 186 segundo, 156 tersero at 128 na quarto sa loob ng 1,060 sakay.

Nakalikom naman ng P4,017,151 si star jockey Hernandez nang magtala ito ng 135 panalo, 97 segundo, 81 tersero at 67 na quarto sa loob ng 562 pananakay.

Nasa tersero puwesto si class A rider Dilema na isa ring multi-titled rider ng bansa na may kabuuang P3,680,056 at mas marami nasakyan kesa kay Hernandez na sa 748.

Mas maraming panalo si Dilema kay Hernandez subalit sumegundo ang huli dahil sa laki ng kinita nito.

May nailistang 150 panalo, 124 segundo, 106 tersero at 80 quarto si Dilema subalit mas marami kasing stakes victories sa ibabaw ni Hagdang Bato si Hernandez kung kaya’t mas mataas ang kinita nito sa kanya.

Si rising track star Hagdang Bato ang malaking factor sa paghataw ni jockey Hernandez ng malaking kita dahil nakaraang buwan dalawang malaking panalo kinana nila sa Philracom-Sponsored Stakes Races.

Ginabayan ni Hernandez si Hagdang Bato sa Presidential Gold Cup noong Disyembre 9, kung saan ay nagwagi sila at nauwi ang tumataginting na 4 million sumunod ay ang Philracom Grand Derby noong nakaraang Sabado at napanalunan nila ang P600,000.

Nakalayo si Guce sa overall standings ng kinita dahil masyadong maraming sakay ito at halos lahat ay nasa timbangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply