BAKIT BAWAL ANG ASO SA MARIKINA SETTLEMENT SITES

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

LUMABAS sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagbabawal ng pag-aalaga ng hayop sa settlement sites ng Marikina. ‘Di man lang nilahad ng reporter ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong ordinansa sa Marikina.

Ayon kay Kap. Rizalina Teope, kaugnay po ito ng binalita na pagkamatay ng 9-year old na batang babae sa Zamboanga City matapos sakmalin sa leeg ng isang aso. “Kilala ang Marikina sa Ordinansang nagbabawal sa pag-aalaga ng aso sa mga resettlement site kaya muling nabigyang pansin ito.”

Ayon naman kay City Veterinarian Dr. Bobot Carlos, sinasabi sa Ordinance 13 Series of 2007, ang pagbabawal ay para sa health at sanitary reasons ng mga naninirahan sa mga mataong komunidad dahil maliliit ang sukat ng bahay roon at dikit-dikit pa.

Sa settlement sites kasi ng Marikina tulad ng sa Tumana, Nangka, atbp. ang karaniwang sukat ng mga lupa ay 24 square meters (4×6 meters) lang. Napakaliit po nito. At dahil diyan ang layout nito ay row housing kung saan kumpol-kumpol o tabi-tabi ang mga bahay. Hile-hilera. Dingding lang ang pagitan, ika nga.

Isipin n’yo na lang kung sa napakaliit na bahay na iyan na may karaniwan ay pito hanggang sampung tao ang nakatira – sasamahan mo pa ng aso o iba pang hayop?

Breeding ground para sa mikrobyo at sakit ‘yan dahil sa siksikan ang sitwasyon.

Madaling magkasakit. Madaling magkahawaan. Madaling kumalat ang alin mang virus o bacteria, tama po ba?

Ang isa pang dahilan ay ang pagiging perhuwisyo nito sa mga naninirahan dito. Kung maliliit at siksikan ang mga kabahayan at karamihan ay may alagang aso …makatutulog ka pa ba kung magtahulan ang mga iyan? Isa lang ang magsimulang tumahol, sagutan at sunuran na ang ibang aso, ‘di ba?

Malamang dahil sa liit ng espasyo ay itatali sa labas o ipagagala ang mga ‘yan. Natural magiging istorbo ‘yan sa kapitbahay dahil mangingilag pa sila sa aso mo. Paano ‘yung mga takot sa aso?

Paano kung mag-away pa ang mga iyan? ‘Di lang maingay, delikado pa na may makagat.

Paano ang mga dumi nito? Sa loob ng bahay mo, sa eskinita, sa pasilyo, o sa kalye. ‘Di lamang matatapakan, maaari pang pagdulutan ng sakit. Malaki rin ang tsansa na pagmumulan pa ito ng mga away ng magkakapitbahay.

May nakapagsabi pa na ang ordinansa ay paglabag sa karapatang pantao ng mga residente. Excuse me po, ayon kay Alexander Flores ng Commission on Human Rights, hindi po ito totoo. Mas mananaig ang karapatan sa healthy environment kaysa sa karapatan sa pag-aalaga ng hayop.

Reklamo ni Kapitana Riza, “Kaming mga tagapagpatupad ng mga batas ay naiipit sa galit ng mga taong natitikitan sa kanilang paglabag. Saan naman po kami lulugar? Kung hindi kami aaksyon sa mga reklamo, sasabihin ng mas marami na wala kaming silbi.

Kung tumugon at magtrabaho naman kami, may masasabi pa rin ang tao.”

Tulungan n’yo po kaming ipaliwanag ito sa mga kapitbahay ninyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply