Balasahan sa NBI umarangkada na

NBI

MAGKAKAROON ng balasahan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa mga mahahalagang posisyon ng kawanihan sa buong bansa.

Batay sa Special Order na may petsang January 10, 2013 at nilagdaan ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas, partikular na maaapektuhan ng balasahan ang mga sumusunod:

– Deputy Director Rickson Chiong mula sa Administrative Services ay malilipat sa Technical Services;

– Deputy Director Edmundo Arugay mula sa Special Investigation Services patungo ng Administrative Services;

– Deputy Director Ruel Lasala mula sa Intelligence Services patungo ng Special Investigation Services;

– Deputy Director Reynaldo Esmeralda mula sa Technical Services patungo ng Intelligence Services;

Mananatili naman sa kanilang posisyon sina Deputy Directors Virgilio Mendez at Rafael Ragos bilang mga Deputy Director for Regional Operations Services at Deputy Director for Comptroller Services.

Apektado rin ng reassignment sina :

– Head Agent Rommel Vallejo bilang pinuno ng Anti-Organized Crime Division;

– Head Agent Romulo Asis bilang hepe ng Anti-Graft Division;

– Head Agent Ronald Aguto bilang hepe ng Cybercrime Division;

– Head Agent Ferdinand Lavin bilang hepe ng Death Investigation Division;

– Head Agent Daniel Daganzo bilang hepe ng Foreign Liaison Division

– Head Agent Dante Jacinto bilang hepe ng Intellectual Property Rights Division;

– Special Agent Augusto Eric Isidoro bilang hepe ng Reaction, Arrest and Interdiction Division;

– Head Agent Auralyn Pascual bilang hepe ng Violence Against Women and Children Division;

– Head Agent Rosalina Chiong bilang hepe ng Program Management Office;

– Special Agent Dave Alunan bilang hepe ng Logistics Division;

– Special Investigator Rodrigo Mapoy bilang hepe ng Security Management Division

Ang balasahan ay ipatutupad depende sa turnover ng mga assignment lalu na ng mga division na may hawak na mga sensitibong kaso.

Ang hakbang na ito ay para makaiwas na masakop sa Comelec ban sa reassignment at pagtanggap ng mga bagong empleyado sa gobyerno na iiral mula March 29 hanggang May 13, 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply