Ballot printing tatapusin ng 65 days – NPO

pcos1

TIWALA ang gobyerno na kaya nilang tapusin sa loob ng 65 araw ang pag-iimprenta ng mga ballota para sa May midterm elections dahil sa makabagong teknolohiya.

“We are confident that we will be able to do it in 65 days,” ayon kay Raul Nagrampa, National Printing Office (NPO) assistant director, kasunod ng pagpapasinaya at ribbon-cutting ceremony ng mga pasilidad ng NPO sa kanilang basement, sa Quezaon City, kung saan nililimbag ang mga balota.

Ang ibinigay na taning ng Comelec sa NPO ay 81 araw (mula February 4 hanggang April 25, 2013) para tapusin ang paglilimbag sa mga balota.

Ani Andaya, makabago ang teknolohiya ng kanilang printing machines kaya kakayanin nilang tapusin ang trabaho bago pa man sumapit ang itinakdang deadline.

Ayon pa kay Andaya, nagkakahalaga ng P780 milyon ang mga printing machine na nagmula pa sa Netherlands.

Dagdag pa nitp, mayroong limang security features ang mga balota at babantayan ng maraming security ang 5,000-square meter na lawak ng pasilidad (printing area) na may mga CCTV at biometrics.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., na ang balota ang pinakapuso ng eleksyon dahil kung wala ito wala aniya silang bibilangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply