Ballot slot ng partylist groups ilalabas sa Lunes

brillantes

INAASAHANG mailalabas na sa Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng partylist groups at kanilang pwesto sa balotang gagamitin sa idaraos na halalan sa Mayo 2013.

Kaninang hapon ay isinagawa na ng Comelec ang raffle para sa ballot slot ng mga partylist at nakuha ng 1st Consumers Alliance for Rural Energy, Inc. (1-CARE) ang unang puwesto sa balota matapos na mabunot ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr. ang numero 1 para sa 1-CARE.

Ang grupong Abang Lingkod naman ang nakakuha ng pinakahuling pwesto o pang-136 sa balota.

Sa kabuuan ay nasa 136 ang bilang ng mga party-list group na kasama sa raffle.

Gayunman, nilinaw naman ni Brillantes na hindi pa pinal ang resulta ng ginawa nilang raffle.

Nadiskubre kasi ng Comelec na 13 bagong nag-aaplay na partylist ang hindi naman nakakuha ng mandatory injunction sa Korte Suprema ngunit nakasama sa raffle.

“We have finished the raffle of partylist groups, it appears, however, that 13 groups have been inadvertently included despite resolution 9561,” ayon sa Comelec chief.

Batay sa nasabing Comelec resolution, nakasaad na sa mga nakakuha ng status quo ante order sa Korte Suprema ang mga grupo lamang na ini-accredit ng poll body noong 2010 ang maaaaring makalahok sa raffle.

Gayunman, sa raffle ay nakasali pa rin ang mga hindi naman accredited noong 2010 o yung mga bagong nag-a-apply pa lamang.

Magpupulong naman ang Commission en banc upang pag-usapan kung ano ang susunod na hakbang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply