Bangkay na natagpuan sa Ilocos Norte, hindi dayuhan

crime6

NILINAW ng Pagudpud Police na hindi isang American national ang bangkay ng isang babae na natagpuan sa Patapat Bridge sa Brgy. Balaoi, Ilocos Norte.

Hinala ng mga pulis na itinapon lang ang bangkay ng babae.

Kaugnay nito, isasailalim sa masusing eksaminasyon ang katawan ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay.

Tinatayang isang linggo nang naaagnas at nangangamoy ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae.

Ayon kay S/Insp. Roger Digmayo, chief of police ng Pagudpud, hindi American national ang bangkay ng babaeng natagpuan malapit sa Patapat Bridge sa Brgy. Balaoi, Pagudpud Ilocos Norte.

Aniya, ang bangkay na inaagnas at nangangamoy ay natagpuan 500 metro mula sa sumadsad na MV Nam Yang sa Balaoi, Pagudpud.

Batay sa paglalarawan ng PNP, ang babae ay may blonde na buhok, nakasuot ng brown blouse, pulang underwear, kulay rosas na pantalon at sandals na may pulang tali.

Kasalukuyan pang inaalam ng SOCO ang pagkakakilanlan sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply