Bangkay ng 4 OFW na namatay sa hostage sa Algeria, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang mga labi ng apat na Overseas Filipinop Workers (OFWs)na namatay sa madugong hostage krisis sa gas field sa Algeria.

Mula sa Doha Qatar, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Qatar QR644, 10:25 kagabi.

Hindi pa malinaw kung kasabay ng mga namatay ang apat na survivors sa eroplano dahil may kasabay din itong flight galing Gitnang Silangan.

Kasabay nito, hindi naman pa inhihahayag ang pangalan ng mga namatay na biktima dahil na rin sa hiling ng kani-kanilang pamilya.

Samantala, walang pa ring nilalabas na travel ban ang Department of Foreign Affairs (DFA) patungong Algeria sa kabila ng malagim na krisis na 80 ang namatay kabilang ang 8 Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply