Bangkay ng adik natagpuan sa sementeryo

bangkay-2

ISANG kalunos-lunos na tagpo ang tumambad sa mga mamamayang naninirahan sa paligid ng sementeryo matapos nilang matagpuan ang bangkay ng isang hinihinalang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na nakaunat sa lupa ang duguang katawan at may tama ng bala ng baril sa ulo sa Barangay Bagumbayan Public Cemetery, Taguig City noong Huwebes ng gabi.

Sa ilalim ng pagsisiyasat na isinagawa ni Sector 3 Commander PCInsp. Rey M. Viloria, inilarawan ang ‘di nakilalang biktima sa alyas nitong “Charlie,” may katamtamang laki ng pangangatawan, tinatayang nasa 39-44 ang edad, nakasoot ng short pants at puting t-shirt at nasa 5’2”– 5’4” talampakan ang taas.

Sinabi ni Viloria na ayon sa kanilang nakalap na impormasyon, ang lalaki ay isa umanong adik na pagala-gala at napadpad doon sa nasabing crime scene.

Ang nasawi ay kinakitaan ng tama ng bala ng baril sa mukha na naglagos sa likurang bahagi ng kanyang ulo dahilan upang agad itong masawi.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operations ang mga kapulisan upang matukoy ang ‘di nakilalang salarin na pinaniniwalaang nagtago pagkaraang isakatuparan ang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply