Bangkay ng beybi lumutang sa creek

crime3

NAKITANG lulutang-lutang sa creek ang isang patay na sanggol na babae sa Valenzuela City, Biyernes ng hapon.

Tinatayang nasa isa hanggang tatlong buwan ang beybi na nakasuot ng puting sando.

Sa ulat, dakong alas-2:05 ng hapon nang makita ng isang Rosemarie Cameros ang bangkay ng bata na nakalutang sa creek sa F. Bautista St., Marulas ng lungsod.

Agad na inireport sa mga pulis ang nakita na naging dahilan upang kunin ang bangkay at dalhin sa PNP Crime Laboratory.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bata at kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply