Bangkay ng lalaki lumutang sa Ilog Pasig

bangkay

NATAGPUAN palutang-lutang sa Ilog Pasig ang bangkay ng isang lalaki sa Binondo, Maynila, kaninang umaga

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25, may taas na 5’4-5’5, bilugan ang mukha at may katamtamang pangangatawan.

Sa report ni SPO2 Benito Cabatbat, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ng mga bangkero ang bangkay ng biktima sa Ilog Pasig sa may PPA Building, malapit sa PCG detachment sa San Miguel St., sa Binondo.

Ayon kay Cabatbat, posibleng nadulas at nahulog ang biktima sa creek o ilog at tinangay ng agos sa nasabing lugar.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima na hinihinalang may dalawang araw nang nagpalutang-lutang sa ilog.

Dinala sa St. Ivan Funeral Homes ang bangkay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply