Barangay Chairman sinaksak ni Kagawad, kritikal

emergency

NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang barangay Chairman nang saksakin ng kanyang kagawad kaninang madaling araw sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas at inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng San Juan de Dios Hospital bunga ng malalim na tama ng saksak sa tagiliran ang biktima na kinilalang si Danter Torres, 56, Brgy. Chairman ng Brgy. 174, Zone 17 at residente ng No. 181 P. Santos St.,Malibay, Pasay City.

Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Kagawad Oscar Bermejo, 54, ng nabanggit na barangay at residente ng No. 849 Apelo Cruz Ext., Malibay ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni PO3 Melvin Garcia ng Criminal Investigation Division, dakong 1:00 kaninang madaling araw, nagkakasayahan ang biktima at suspek kasama ang ilan opisyal ng barangay sa kaarawn ng isang nagngangalang Boy Salazar.

Sa hindi mabatid na pinagtalunan, nagkainitan ang dalawa hanggang sampalin umano ng biktima ang kagawad at pinagsabihan na ‘wag sumigaw.

Sumambulat umano ang galit ng suspek sa pagkakasampal ni Chairman kayaumano ito bumunot ng patalim at sinaksak ang biktima na tinamaan sa tagiliran.

Sa ginawang pag-awat nasugatan sa kamay ang isang Brgy. kagawad na kinilala sa pangalang Alma.

Isinugod agad ang biktima sa naturang pagamutan upang malapatan ng lunas. Sinampahan naman ng kasong frustrated homicide ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply