Barangay kagawad kulong sa shabu

behind-bars

KULONG ang isang barangay kagawad matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City Biyernes ng tanghali, Enero 25.

Nakilala ang suspek na si Albert Balcos, 40, kagawad ng Geronimo St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta ng shabu ang kagawad na naging dahilan upang kontakin at magsagawa ng buy-bust operation.

Dakong alas-12 ng tangahali, nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 sa pulis na umaktong poseur buyer sa C-3 ng lungsod ay agad na dinamaba si Kagawad at dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply