Baril ni Marantan hawak na ng NBI

NASA kamay na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang baril ni P/Supt. Hansel Marantan, ang leader ng police team sa Atimonan, Quezon incident.

Nagtungo ang mga ahente ng NBI-Death Investigation Division sa ospital kung saan nagpapagaling ngayon si Marantan.

Tumanggi na ang NBI na idetalye kung anong klaseng baril ang ibinigay ni Marantan.

Nauna nang binalaan ni Justice Secretay Leila de Lima si Marantan na kakasuhan ng obstruction of Justice kung hindi nito isusuko ang  baril at kung hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply