Barko ng PCG tutulong sa sumadsad na US ship

INIUTOS na ni PCG Commander Rear Admiral Rodolfo Isorena na ipadala ang kanilang marine enviromental protection vessel upang tumulong sa sumadsad na USS Guardian sa Sulu Sea.

Ayon kay Isorena, ang BRP Corregidor ang tutulong sa US Navy ship na sumadsad sa Tubbataha Reef.

Ipinadala rin ang dalawang rescue team mula sa rescue operations group kasama ang isang medical team.

Upang makasiguro, nagdala na rin ng panlinis ng langis ang grupo bagamat sinasabing  wala namang nakitang pagtagas ng langis mula sa sumadsad na barko.

Nabatid na sakay ng US ship ang 80 tripulante nang sumadsad ito sa lugar habang patungo sa Persian Gulf mula port call nito sa Subic para tumulong umano sa tensyon sa Strairt of Hormuz noong Enero 17.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply