Batang ama, kritikal sa saksak

knife-2

NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang batang ama matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek habang akay ang paslit na anak na lalaki sa Caloocan City Linggo ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Ronnie Tecson, 19 ng Evangelista St., Bagong Barrio ng lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, akay ng biktima ang anak sa Macopa St., Bagong Barrio ng lungsod nang salubungin at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at motibo sa pananaksak.

Samantala, isang binata ang inoobserbahan din sa ospital makaraang saksakin ng lasing na kalugar sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jose King Tayamgona, 17 ng Meliguas St., ng lungsod at ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Nono at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling araw, lumabas ng bahay ang suspek upang maghanap ng mabibilhan ng pagkain subalit nakasalubong ang lasing na suspek na natitigan ng binatilyo.

Nagalit ang suspek at walang salitang sinapak ang biktima at hindi pa nakakabawi ay nakabunot na ng patalim ang una at tinarakan si Tayamgona.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply