Batas sa ‘Right to Reply’ ng Comelec, matatagalan pa

comelec-comm-rene-sarmiento

MATATAGALAN pa bago maipatupad ang panukalang batas sa Right to Reply Bill dahil bubusisiin pa ang ilang probisyon na nakasaad sa naturang batas.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) mahabang proseso pa ang pagdadaanan bago maipatupad bagong rule ng Comelec na “Right To Reply”.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, kinumpirma niyang pag-aaralan pang mabuti ng Comelec ang probisyon bago ito ipatupad.

Sa ilalim ng Article 9-C Section 4 ng konstitusyon, nakasaad na tungkulin ng Comelec na tiyakin na ang mga kandidato ay mabibigyan ng ‘Right to Reply’ o nagkakataong sagutin ang anumang akusasyon na ibinabato sa kanila.

Layon nito na matiyak ang pagkakaroon ng balanced reporting at pagiging patas sa pagtalakay ng mga isyu na may kaugnayan sa mga kandidato.

Samantala, nilinaw pa ni Sarmiento na ang Right to Reply provision ay hindi dapat na katakutan ng sinumang nagpa-practice ng balanced reporting.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply