Bayan ng Dingalan nilagyan ng storm warning device

bagyo

NAGLAGAY kamakailan ng early warning device (EWD) sa Dingalan upang malaman kung may paparating na bagyo sa bayan.

Ito ang kaunaunahan sa lalawigan ng Aurora na matatagpuan sa Barangay Aplaya.

Tinanggap ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Leo Agustin ang aparato mula kay Engineer Romeo Callanta na naglagay ng EWD dito.

Ang EWD ay mayroong mikropono, amplifier na may sirena, USB gadget na nakakabit sa computer, at tatlong loud speaker na inilagay sa tuktok ng may 40 piyeng metal tower.

Mayroon din itong stand-by generator na awtomatikong umiilaw sakaling mawalan ng kuryente ang lugar.

Maririnig ang sirena sa layong dalawang kilometro na sapat upang marinig ng mga residente hindi lamang ng Aplaya kundi pati na rin ng mga barangay ng Poblacion, Butas na Bato, Davil-davilan, Tanawan, at Paltic.

Sinabi ni Agustin na ang EWD ay magsisirena para sa bagyong may Signal No. 1; dalawang sirena para sa Signal No. 2; at tatlong sirena para sa Signal No. 3 na batay sa ilalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag asa).

May direktang kontrol sa pagbabantay ang municipal disaster risk reduction management council at ang mga opisyal ng Barangay Aplaya.

Ang hakbang na ito ay naglalayong bigyang babala ang mga residente dito’t makaiwas sa bagyo o anumang pinasalang dala nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply