Bea Binene kinabahan sa first screen kiss

bea-binene-3

INAMIN ng batam-batang aktres na si Bea Binene na kinabahan siya sa first screen kiss niya.

Ang first screen kiss ni Bea ay sa seryeng “Indio” kung saan si Alden Richards ang kanyang kapareha.

Sinabi rin ng dalaga sa isang panayam na hindi niya aakalaing si Alden ang kanyang unang makaka-kissing scene.

“Kasi first kissing scene ko po, e. Nakakakaba po talaga.” wika ni Bea. “Kasi akala ko, puwedeng dayain ni Direk yung gano’n.”

Hindi naman dapat mangamba ang mga fans nina Bea at Jake Vargas dahil una nang sinabi ni Alden na hindi raw hahadlang ang aktor kung may something special nang namumuo sa dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply